Monday, November 07, 2005

inggit lang yan...

naiinggit talga ako sa mga taong matino ang pc at ang internet connection. sana ganun na lang din kami..para sana.. hindi lang tuwing alas dos ako nakakapag-ol..para sana nakakadownload ako ng ebooks..para sana mawelcome ko na sa sarili ko ang idea na ipod na lang ang hingin sa pinsan ko.. para sana mas matino ang skin ng blog ko..para sana mas marami akong entries..para sana mas maraming panahon ang ma-divert mula sa stop-and-reflect-about-your-losses times papunta sa surfing adventures.. pra sana hindi ko nappractice ang vitrue of patience, masyado na kasi ako pasensyosa, minsan nagiging tanga at utu-uto na.. para sana.. hayy...

naiiyak na ko.

di lang naman kasi sa panget ang connection at bano ang laptop eh...ang-unfair. unfair ang mundo, kasama na ako.

bkit ba andami ko pang gusto? andami ko pa kasing hinihiling.. hindi ko man lang makita na answerte ko na. pati pagkakaroon ko ng maraming kapatid madalas kong kainisan dahil lang di ko makuha yung mga materyal na bagay. ansama ko para hindi irespeto magulang ko like wat they deserve. lahat ata ginagawa na nila para sumaya kami. masaya kami. pero hindi ko yon makita. inggit nang inggit. gaga ko talga!

alala ko nung xmas party day ng 3rd yr. di ako umatend kc nyt before dpat mgsshopping ako tas kinulang yung binigay sa kin kaya d next day, nagkulong lang ako sa kwarto. tinabihan ako ni papa sa kama tas nagdrama xa..
"...gusto ko lang naman i-enjoy mo yung highschool mo. kaya nga pinapayagan kita sa mga lakad tsaka khit di ka top aus lang sa min ng mama mo. gusto ko kasi maranasan mo ang masayang highschool. ako kasi pers yr namatay tatay ko. tpos 2nd yr nanay ko naman. third yr hiwa-hiwalay na kming magkakapatid ng tinitirahan. nagttrabaho na ko para makapasok. khit pagtitnda ng balot at tsinelas pinasok ko na. sana nman di mo yun maranasan.kaya nga ginagawa namin ng mama mo yung lahat eh.."

arr..tatay ko yun. yung tatay na sobra ang respeto ko..pero minsan, dahil sa isang daan lang binibigay sa kin bgo ako umalis eh gusto kong palitan.yan yung tatay ko na idol ko pro madlas kong sagutin dahil feeling ko mas matalino ako.

ansama ko.
wala na kong maisip kundi "asan na ba ang tissue?!"

sana balang-araw masuklian ko sila. sana di ako tumandang selfish.

Comments:
tama! be thankful kay papa - wala ako niyan :)
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?