Friday, November 11, 2005

half-life

nabubulok ang mga bagay sa tuwing iniiwan silang nakatiwangwang. naghihintay sila sa panahon na dadampi sa isipan natin na sila ay naroroon lamang sa sulok, nananahimik.

nabubulok ang mga bagay kapag hindi sila naniniwala na pwede silang mabulok. nabubulag sila sa pait ng paghihintay kaya naman hindi dumarating ang panahon ng pagsuko. nananatili lamang sila sa sulok, nananahimik at walang kamalay-malay na nabubulok nang unti-unti.

ang pagkabulok ay isang mahinahon na paraan ng pagalala ng marahas na katotohanang ang lahat ay may katapusan. ito ang pinakatahimik na pagpapahayag ng sakit-- sakit na unti-unti kumakain sa kaluluwa ng isang bagay na binigyang-buhay ng pagpapahalaga.

ang pagkabulok ay hindi sadyang nakaukit sa pigura ng buhay. bagkus, ito ay isang produkto ng tinatawag nating "pag-asa". Binubulag tayo ni pag-asa para maghintay sa wala habang hinahayaang mabulok. marahang hinahagod ng sakit ang buhay na idinulot ng pagpapahalaga hanggang sa biglang paggising at pagkatanto na kalahati ka na lamang ng dating ikaw.

Comments:
This comment has been removed by a blog administrator.
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?