Thursday, September 08, 2005

la lang

i tried to resist my urge to put an entry but i just can't. i was inspired by my last entry- inspired to make it up. that entry was so dramatic and emotional.. i almost want to erase it! never mind..

so why am i writing in english when i had just been absent from my eng10 class?!

daahh.. naubos na ang reserved ko..
ipon muna ako ulet ng ingles

hindi na talaga ako satisfied sa buhay ko. normal na sa akin ngayon ang tumambay sa cr at umupo sa toilet seat at maghanap ng dahilan para maligo at ipagpatuloy ang araw. umaabot ako ng 30mins. madalas magsesettle na lang ako sa reason na kelangan kong pumasok dahil may quiz sa cw10. sa bgay, un nga naman talga ang dahilan ng pagpasok. pero my life does not revolve around that. para kasing at the back of my mind, alam ko na hindi ako binuhay para lang magpakatalino. i know i have this reason that i cant seem to find. it's just so frustrating.

last few days..mali. last MANY days, umaabot ako ng 9 sa sm palipat-lipat sa synergy at wof. paapir-apir kay wofy at pasilip-silip sa mga taong andun. ayaw kong umuwi. gusto ko lang tumanga. as if mahahanap ko dun ang purpose ng buhay ko! sabi nga, 90% of what makes a person wise is about how he uses his time. so hindi lang ako blind dahil dun ko hinahanap ang purpose ko, stupid pa ako dahil sinasayang ko ang oras ko dun. pati nga bukambibig ko eh puro "tanda" at "kikay" tapos "chinovela".. blah blah.. feeling ko nga napupurga na si leo kimi at kate sa mga salitang iyan dahil un lang lagi napapansin ko. garrr.. nonsense..another factor ng pagkabobo ko.

naisip ko, nagsimula ako nung gamitin ko ang defense mechanism na SOUR GRAPING kay a-boy.. dahil doon, naubos ang libido ko (libido- creative psychic energy ang tinutukoy ko at di ung meaning na asa oxford dictnary na sexual drive ah!) pati reasons to smile eh na-phase out.

ngayon naman, tinry kong mag-abstain sa paglalaro ng xceed. tapos pinupush-thru ko din ang ordinance na bawal dumaan ng synergy pero feeling ko naman mahihirapan ako jan mciado.. pero sa mga solutions na ito parang ang nahihirapan lang ay ako at si kate (soriiiii..). sa kagustuhan kong patuyan sa sarili ko na "i'm in control of me" eh kung anu-anong pakulo ginagawa ko, ayon na rin sa comment ni carlo cruz. para lang akong si bayani fernando na kung anu-anong pakulo pinapauso pero hindi tinutumbok yung tunay na problema.. ay naku..nakakapagod umakyat sa footbridge! la lang..

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?