Sunday, August 14, 2005

stalking file: "on being idealistic"

sabi nitong kausap ko isa daw akong idealistic na tao.

i agree. haha.. anyabang ko..

pero naisip ko rin na ang mga bagay na sinasabi ko sa kanya ay nagmumula rin sa ma-ideolohiya niyang inquiries na nagtutulak sa akin na mag-isip. yun nga ang advantage ng mga intelektwal na tao sa paligid eh- napipilitan kang lawakan ang mga bagay na hinahayaan mong pumasok sa utak mo.

dati kapag sinasabi nilang pang-matatalino ang UP, ang naiisip ko ay mga taong lasing sa pagbabasa at papatay para sa grades.

pero ngayon, ang tingin ko sa up ay isang zoo.

ibat ibang hayop ang nakakulong. kinuha sila mula sa natural habitat para imulat sa possibilities na maibibigay ng knowledge.

di-tulad sa quesci, wala nang parasitism at predator-prey relationships. natututo na akong tanggapin kung anong uring hayop ako talaga (so inamin ko nga na hayop ako!?), na hindi pare-pareho lahat.

ano ba itong mga pinagsasasabi ko!

kasi naman, kanino ko ba na-acquire ang ganitong mga pagtingin.. haha.. tinanong ko pa, lam ko naman kung kanino!OUCH! sayang at tapos na ang ganung panahon..tsk tsk..pero nakakatakot na ring harapin pa kasi baka maging tuldok na naman ang tingin ko sa sarili ko imbis na hayop na nga sa ngaun eh! hahaha.. anong klase bang mga metaphors itu?!

sana may dumating ulit na magtuturo pa sa akin.
why do i stalk?
kakasabi ko lang..

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?