Wednesday, June 22, 2005

june na

hayy.. katext ko si char ngaun!! ahh.. miss ko na cia tsaka si ado..at iba pang manila friends..patrick..queeen(khit inde manila..)..basta! lahat sila except lorine!! daaa..kakakita ko lang sa kanya kanina! hehehe.. saya sa kfc parang khit manila siya at diliman kami(kami-including marnex) eh may time pa rin siya na makita kami! siguro ang manila ang lugar kung saan nagagawa niang ma-realize at masabing: "hayy.. salamat at mai friends akong...(bahala na ciang mag-complete nian)" hehehe.. basta! mahirap malayo sa friends.. kahit nga sa diliman na marami kami, namimiss ko pa rin ung si lorine atbp... parang walang enough number of friends..

sa last three statements ko iaassociate si "socializilla".

sa 1st statement: never ang malamang isagot niya.. o basta gets na 'yon, siyempre dahil friends all around.

sa 2nd statement: sometimes.. thoughtful yun eh!

sa third statement: ALWAYS!!! never enough!!!

hahahaha... kilala mo na ba kung sino yan ruth?! hehehe... peace!joke lang---> pero 3/4 meant yan! buti na lang at hindi sa akin nangyayari ang pang-iiwan kundi...harrr.. wala lng! mabait naman ako ah...patience is my key difference sa other friends..pero pag nakikita ko si ra at minsan si anne, nadidisprove din yan!
_____

(isa pa ulit na..)hayyyy... hindi ko maisip na ganito magiging nakakapagod ang araw na ito eh samantalang isa lang ang klase ko! kakaiba! andami kong reading materials dito pero ala naman ata akong balak magbasa..hayy.. pero in fairness,excited ako sa mga klase ko. para kasing fresh start.. pwede pang magsimulang magpakabait at magtino.. hayy.. ang sem na ito ang defining sem ng buong up life ko.. sana matitino mga grades ko para ganahan naman akong magtino at hindi maghintay ng alas-5 sa sm!!


hahahaha!!! sa wakas! nakita ko na si synergy boy! hindi nga lang ako makapag-react ng usual reaction ko kasi andun si "cousin"!! hahaha..kakahiya naman noh! tsaka daahh.. papakita lang cia nakatalikod pa!siguro pinapakita nia ang bago nyang bag...hmm..ganda nga eh! jologs! ano ba itong pinagsususulat ko!!



hmmm...




hmmm...










hmmm...








eh!
iniiisip ko pa kasi kung ikukwento ko ang kababawan ko..








wag na lang.













gaaaaaz! ang init sa up!!!! parang hell...la pa akong kinatutuwaan!! grrrr... wla lng.. corny life...no mushiness..no nothing.. just plain waste of time trying to walk around, sit down, walk around, then go home..nonsense!! kainis!


bat kaya ang mga tao, tkot mawalan ng mga bagay na sa kanila na? maling tanong pala.. bat kaya hindi na lang pwedeng wla nang dahilan para matakot ang mga tao na mawalan..



pero..



pero kung ganoon, edi wala na ring dahilan para mag-hold onto sila sa bagay na iyon tsaka it's because of fear of loss that we decide how important something is..

naisip ko, napakabalanse nga ng mundong ito...problema lang.. nagpapabigat tayo para maincline ang balance sa isang side...mga papansin! pero at the end, pantay pa rin.walang effect..bablik pa rn sa balance..kaya mga papansin dyan...dont try so hard na.. it's not worth it!
___




kanina may mga raliyista sa as...ansarap sabihin sa kanila na isang tao lang si gloria para sisihin sa lhat ng bagay na nangyayari.. mas marami ang mga nagpoprotesta kaysa sa mga nangungurakot..kaya dapat di ba, majority wins? edi kung tunay nga silang nagmamahal sa pilipinas, edi dapat matino na dito?!

naisip ko, kung mahal nila ang pilipinas, uumpisahan nila sa sarili nila, not as protesting people but loving ones na handang gumawa para sa ikabubuti ng pilipinas...kung gusto nilang umunlad ang pilipinas, wag silang magtapon ng basura sa kalye,magbayad ng tax, wag tumaya sa jueteng, mag-aral ng mabuti, gumalang sa magulang..mga simpleng bagay na kung lahat ng ordinaryong tao ay gumagawa nito, malinis na ang ilalim...yun ang panahon para suriin ang mga nakatataas..siguro naman, titino na sila kasi wala na silang excuse..


ang point ay dapat sinisimulan sa sarili hindi yung bintang ka ng bintang sa iba na ikaw mismo, ginagawa mo... sasabihin mo, ikaw ordinaryo lang naman, siya presidente...pero daaa...pareho kayong tao. hindi porket malaki ang epekto ng ginagawa niya, at ikaw maliit, ay ibig sabihin na mas malaki ang kasalanan niya..minsan nga, mas mura pa ang 1pc. burger steak w/ rice kaysa sa large fries di ba? para sa iba, tama lang, pero para sa rice-lovers, kalokohan ang ganung pagpepresyo..pero sa totoo lang, pareho lang pagkain yon at parehong laman-tiyan.. kahit piso o isang billion, basta nagnakaw ka, kasalanan iyon. kahit U2 o unknown brand, basta galing sa ukay-ukay, second-hand pa rin yan!

alala ko tuloy yung discussion namin sa kas1.. tanong ng prof kung ipapanganak ka ulit, anong gusto mong nationality.. yung isa sabi, japanese daw kasi sobra ang pagkanationalistic nila di gaya ng mga pilipino, hindi marunong magmahal sa pilipinas... ansarap sigawan eh!!! "OO NGA MGA PILIPINO HINDI MARUNONG MAGMAHAL SA PILIPINAS>>>TULAD MO!!!!!" grrr.. para kasing may choice naman sila na maging nationalistic, bat di sila maging nationalistic sa pilipinas?!!

gusto nila maunlad na ang bansa bago nila mahalin...bakit sobrang gwapo ba ng jowa mo?!! tpos sabi pa nung girl na klasmeyt, kasi daw disiplinado ang mga japanese...hahahaha...how ironic..gusto nia disiplined ang nature ng fellowmen nia samantalang siya, 10mins late sa class!! el ipokritos!!!

_______

kanina napanood ko ang monalisa smile sa HBO.. sabi ni katherine, si van gough ay nagpaint ng sunflower based on what he thinks or feels and not from what he sees..deformed yung itsura pero halatang may heart..that time it's never a trend na deformed ang portrait..kaya hindi siya sumikat. after 6 years, sumikat din siya, patay na ata cia nun. sabi ni julia roberts, it's up to them(students) na daw kung mag-coconform ba sila o susundin nila ang nararamdaman nila kahit sa tingin ng lipunan eh hindi dapat ganun.tas nung aalis na si julia sa skul, lahat ng students nia, gumawa ng sunflower painting based on what they feel..asteg kasi,oo nga.may choice tayo! pwedeng ang hindi pag-conform ay mag-lead sa 2 bagay, maging bagong gagayahin someday o manatiling mali sa paningin ng iba..kakagulat kais pati sa art pala may tama at mali...hmmm..sa sports climbing kaya!??!


hayyy... antoknaakoatblurrynaangpaninginkocgemananaginippaakonggooddreamsatgigisingngearlyearlyearly!!!!!!


hayyy ulet...

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?